"Lahat ng administrasyon nangangako, e walang nakukulong, kaya iyan hanggang ngayon lumalangoy tayo sa gitna ng karagatan ng korapsyon."

Ganito isinasalarawan ni Buhay Party-list Representative at Vice Presidential aspirant Lito Atienza ang problema natin sa tiwaling pamamahala, na siya ring nagdulot sa atin ng malawakang kahirapan.

Sa pamamagitan daw ng pagsugpo sa malawakang korapsyon, makapagsisimula tayong muli sa daan tungo sa pag-unlad bilang isang bansa. Pero paano ito isasakatuparan ng tambalang Pacquiao-Atienza kung sakaling sila ang palarin ngayong darating na eleksyon?